Martes, Marso 10, 2015

Diyos na Dakila


 Diyos na Dakila



Yaring buhay ko'y payapa
Maykapal na mapagpala
Pag-ibig sa Diyos tala
Pag-ibig ay di alintana


Lahat tayo'y magkakaiba
Sa ati'y iisa ang lumikha
Ang Diyos siyang may likha
Salamat aming Bathala


Hininga'y utang sa ina
Inang Iyong pinagpala
Upang buhay ko'y malikha
Inang siya mong biyaya


Salamat sayo Bathala
Amang Iyong pinagpala
Upang buhay ko'y malikha
Amang laging kasa-kasama


Salamat Diyos Bathala
Pag-ibig mo'y siyang tama
Sinuma'y  Iyong pinagpala
Kaya't sa tula'y aking paksa


Iyong taglay na kalinga
Biyayang sa tuwi-tuwina
Gabay mo'y kasa-kasama
Sa Iyo'y walang alintana


Ang bagyo ma'y manalasa
Di kailangang mangamba
Nariyan ka't ako'y pinagpala
Pagka't ramdam ko'y kalinga


Ikaw ang Diyos Dakila
Sangkatauha'y nilikha
Nang Iyong pagkadakila
Diyos..... Ikaw ang dakila

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento